OMGWTFBBQ!

Sunday, November 30, 2008

Isang malaking WHATEVERRR...

...ang TWILIGHT!




Ooookay! I know baka maraming sumabunot sa akin! Jusko naman kasi, sadyang kay DAMI ng nahuhumaling sa Twilight. Ah okay, sige lang, magpakagaga lang kayo, basta 'di ako kasali sa inyo. LOL.

And that's the only reason why I bothered to watch the film. Curiosity lang, why do a lot of people, especially girls of course, go crazy about the novel and the movie.

Of course, I just watched the movie in dvd. Ayoko nga magsayang ng 150 pesos para lang sa isang trash. HAHA. At pinanood ko siya for a dvd marathon, lol. Ang dami kasing pinahiram nung kapitbahay namin na dvd sa amin, tamang tamang long weekend. Haha, ayoko sana magdvd marathon pero nagkasakit ako, hindi ako makapagbasa ng libro, lol, at nakahiga lang ako buong araw kahapon, so nood na lang.

At ayun, pinanood ko siya ng paputol putol. Ang boring kasi. Seriously, wala pang kalahati ng movie, inantok na ako, at napagdesisyunang istop muna at matulog. Eh kasi may sakit nga ako, hehe. Pero boring talaga e. Inisip ko pa naman na siguro kakilig kilg siya kaya gusto ng mga kababaihan, pero hellooooo! half na ng movie pero hindi pa ako kinikilg! What the eff?! Itigil ang kalokohan!

Sayang si Rob Pat. Ang gwapo kaya niya, pero pinapanget siya sa Twilight. Tsk. Kawawa naman si Papa Rob.

Story? A okay, so un pala ang story ng Twilight. ANG BABAW! Siguro kasi hindi ko nabasa ung book kaya ko nasasabing mababaw. Pero, ewan, nabababawan talaga ako! XD

Edward Cullen. Okay, romantic at gwapo daw siya kaya madaming gagang gaga sa kanya. Ngek. Bampira? Haha. Sige na nga, romantic at gwapo na nga siya. Pero para sa akin, para lang sa mga hopeless romantic 'yang si Edward Cullen. Hehe. :) Waaaa! Sorry friends kung ang bitchy, hehe.

A ano pa ba. Ayoko na, dami ko pang details na gusto kong sabihin, na gusto ko ipaexplain sa mga avid fans ng Twilight, pero wag na lang, hehe, baka awayin niyo ko, lol. E basta, ang point ko lang, bakit ang daming baliw na baliw dun, e ganun lang pala un, ewan, parang hindi nito deserve ang ganyang kabaliwan. Parang nag-gayahan lang ang mga tao kaya maraming nahumaling. "Uy nagbasa sila ng Twilight, tayo din basahin natin!" Isang malaking LOL! :D

At ang isa pang malaking LOL ay ung iba excited na excited manood ng Twilight the movie, e HINDI PA NAMAN NABABASA UN NOVEL! Sobrang nakikigaya lang talaga! Ang loser e! Mas malaking LOL! Hahaha!



Kating kati na ako manood ng BOLT, meron din kasing dvd nun dito, pero hindi pweeeedeeeee! Kailangan kasama ko siya manood nito, at better kung sa movie house. Hehe. O sige na, pambata, pero at least cute, at hindi ako nakikigaya, LOL! Hehe.

Iritang irita ba ang dating ko? Hahaha. E kasi ung mga nakikigaya lang at nakikibaliwbaliwan lang sa Twilight na yan pero ang totoo hindi naman nila truly naappreciate ito, lam niyo un, para lang masabi na sila din ay avid fans ng Twilight, para makisuo lang, ang LOSER nila. XD Sige lang, hahahaha!




At ito, medyo magaling na ako kasi uminom ako ng benteng baso ng tubig kahapon. Hahaha! Sorry gumaling ako ng konti kaya nakapag-online ako at nakapagblog tungkol sa stupid na Twilight na yan. Peace. :) Hooray sa 20 glasses of water! Oo, binilang ko talaga! Hehehe.

Nagsimula lamang sa isang sore throat nung Friday ang sakit ko. Boses bakla pa naman ako pag may sore throat. Yuuuuuck. Nagkasipon. Sumakit ang ulo. Nilagnat. Gininaw ng sobra. Nanginig. At ayun, pahinga at Biogesic at 20 glasses of water at dvd marathon ang ipinantapat ko. Okay na ako, kahit may latak pang natira, hehe.

Bukas ay magstart nang gumawa ng facade ang aming batch for the Facade making contest na parang kajoin ng Lantern Parade ng UPM. Wooohoooo sana manalo ulit kameeeee! Nakasalalay sa batch namin ngayon ung Facade!!!!



*Ubo ubo*
Sana bukas hindi na ko kumakahol, hehe.

Bye. At peace na rin Friends :)

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

Links to this post:

Create a Link

<< Home