OMGWTFBBQ!

Friday, November 07, 2008

Magwarm-up muna bago sumabak

Lately lang ay nagppractice ako ng sayaw, for an intercollege competition (pharmacy schools), at ayun. Whatevs.

Masakit ang aking kasukasuhan. Tsk. Kasi sabak agad. Hindi nagwarm up bago magsayaw.
Kaya pag magsasayaw, wag na wag na wag kayong mkakalimot na mag warm up muna. :D




Therefore, I conclude that LOVE is like DANCING.


Haha, ok biglang ganun.

Ang pag-ibig ay parang parang pag-eensayo ng sayaw. Sa practice, kinakailangan mo munang magWARM UP bago sumabak sa paghataw. Kailangang masanay muna ang iyong katawan sa pagkilos para hindi mabigla ang iyong katawan sa mas matitinding galaw sa iyong pag-eensayo. Kapag hindi nakapagwarm up ng maayos bago magsayaw, paniguradong sasakit ang iyong katawan pagkatapos ng mahabang pag-eensayo.

Katulad ng pagsasayaw, ang pag-ibig kailangan din MUNA ng warm up. Wag sabak kaagad! Warm-up = magkakilanlan muna kayo; friends muna; pahirapang ligawan hehe; etc... Nagets niyo naman db? Hehe. Kasi pag 'di nyo ginawa yan at bumigay kayo agad, nakooo, sigurado palyado, masakit sa puso, parang un sakit ng muscles sa pagsasayaw.



Oh well, napala ko sa sakit ng katawan ay KALANDIAN. Hehe.

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

Links to this post:

Create a Link

<< Home