OMGWTFBBQ!

Tuesday, November 04, 2008

Naiintindihan ko na...

...kung bakit marami pa ring tao ang patuloy na nagrereklamo sa mga nangyari sa kanila.

Sadyang hindi makapagmove-on. Pwedeng ayaw magmove-on talaga. O nagppretend na nakamove-on na pero hindi pa pala.




Ang hindi ko lang maintindihan...

...ay kung bakit ang introvert ko. :3
(Waw, ano namang connect? Tae.)


Sadyang mukha akong extrovert, pero hindi. Kanina, sinabihan ako ni Pupitong mataba, sabihin ko daw lagi kung ano gusto ko, at kung ano ung nararamdaman ko. Ang totoo niyan, hindi ko na mabilang kung ilang beses na niya sinabi sa akin yan. Sadyang hindi ako palasabi sa mga bagay-bagay. Madaldal ako, pero nahihirapan akong mag-express ng saloobin.

Kasi, pakiramdam ko wala akong problema. Walang nararamdamang kalungkutan. Pero minsan, parang may maffeel na lang ako, suddenly hindi ako magiging ok. Feeling ko hindi ako nagiging fully aware dun sa cause. Siguro dahil kahit may idea ako dun sa cause na yun, nirereject ko sya, dahil hindi ko siguro matanggap na pinoproblema ko yung bagay na un.

Ang labo ko ba? Ahahahaha. Ewan. Sa totoo lang, ayoko talaga ng ganito e, ung nagiging emotional. I tend not to worry so much about problems. Ang panget maging worrier. Pero minsan may times (katulad nito) na magtataka ka kung bakit hindi ka mahilig magworry, kaya mas pipiliin mo na lang tumahimik sa isang tabi.

Nalalabuan na ba kayo sa akin? Hehe. Tama na nga. x]

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

Links to this post:

Create a Link

<< Home