Ampalaya con Pasta
(Ung title, ano, bagay dun sa Tuesday portion ng entry na ito. Hahahaha! >:]] Ang makagets, magaling hahahaha!)
SUPER WEEK! Haha!
Different events, experiences, emotions, etc.
Sunday natin simulan. Christmas Party/Outreach program ng UP sandigan, my beloved org. :) Party with IYC and Tahanang Walang Hagdan people. Super saya! Nakakatuwa sila kasi kahit disabled sila, kayang kaya nila gawin ung mga nagagawa ng mga normal na tao. Mas magaling pa nga sila magbasketball e. hahaha! Kahgit sa ballroom dancing hindi papatalo, kahit nakawheel chair lang! Yay! Happy happy. :)
Ok so DISASTER Monday na. Sa totoo lang, ayoko na balikan ang araw na iyon, pero sadyang hindi ko makalimutan. Monday, pinakatoxic na araw ko. Dahil lang naman sa PHCH121. Rawrrr. So nitong Monday na 'to, super SABOG talaga ako. Lahat na ng bilog na nagrerepresent sa ZERO ay pwedeng pwede sa akin. Itlog. Kamatis. Kamote. Kalabasa. Hahahahaha! Ayoko ng idetalye lahat ng katangahan ko nung araw na iyon, dahil nakakahiya. Weeee! >.<
Babagsak ata ako dun sa subject na un. Hahaha okay napapangunahan ako ng takot. Perooooo.... Wahahahaha! T_____T
Isa pang nakakasira ng araw e ung mga tipo ng taong hindi tumutupad sa usapan. Tsk. Sorry na lang sa'yo pero sana maintindihan mo na nauubos din ang pasensya ng tao. Hindi ko rin kasalanan na ganyan ang sitwasyon mo. Well. Sana hindi ka naman nabbwiset sa akin.
So after ng disaster moments, pumunta sa treat ni Gidget sa KFC dahil kakaBday lng nya. Panandaliang nalimutan ang disaster feeling. Syempre masaya dahil kumain ako. haha joke. Syempre nakasama ko Linnae kahit konti lang kami. Isang comment lang. ANG GANDA NI MARAH! :D
May exam kinabukasan. IP141 lec. Ang tibay ko 'no, 10pm ako umuwi dahil sa gala kahit may exam! Wooohoooo! Nakapag-aral naman ako kahit konti before dahil Monday dapat ung exam, napostpone lang. So ayun. So ayun Tuesday na. hahaha. The exam was okay, hindi naman masyadong masakit s ulo, yey. After ng exam, unveiling ng FLOAT ng UPM, at announcement ng winners sa carol fest at facade making contest. NICE FLOAT. Ang SEXY ng CP statue/mannequin/whatever man ang tawag dun. Syempre gawa ni Ma'am Orejola with the help of CP 4th yr students! Yey! Un oble din maganda, gawa din nila un, oha! Ang saya-saya ng CP! Sadyang cooperative kami sa mga ganitong events, lagi kaming marami at full of energy! Mas marami pa ata un CP people kesa sa pinagsama-samang tao from other colleges e! Err, then wala na, nagfade ang energy, lalo na ung batch namin. THIRD LANG KAMI SA FACADE MAKING CONTEST! So saaaaad, pinaghirapan ng batch namin ung facade ng CP tapos tapossssss...... T_______T... Congrats sa Public Health na 2nd place. Ang ganda ng facade niyo, bonggacious ever! At thanks dun sa Erlenmeyer flask at capsule na ginawa niyo na nirerepresent ang CP, hehe. So cute. :) Then sa Dentistry, na 1st place, congrats din. LOL. Ayun. Haha. >:]]
Happy pa rin, 'cause Christmas vacation officially started! :D
Wednesday. Happy day na ulit! LANTERN PARADE sa UPD! Yey! At 18TH BIRTHDAY ni POOOOOOOOOPI! :D
Syempre as always, full of energy na naman ang CP people, at hindi na naman nagpahuli sa attendance. Hehe. Nakakapagod din magparade, pero carry lang, super saya naman. :D May mga nakita ding friends na rare na rin makita kaya masaya rin. :)
Si Mr. Eustaquio, nakipagparty pa sa blockmates niya so hindi ko sya nakasama the whole day. Nagkita kami at around 7pm ata, naghanapan kami sa may Quezon Hall, Lintek kasi ang Globe, sira ang signal sa UPD. Bukod tanging sa UPD lang. Hahaha! Muntik sirain ang masayng araw ko. Pero keribels, nagkita pa rin kami ng walang txt txt at kahiot super dilim na dun, lol. Galing 'no! haha. Tnx kay pau at rei mark na tumulong na magkatagpo kami, hehe. Just stayed with him in UPD until magpresent anf Fine Arts. Hindi na namin naabutan ung fireworks display dahil gutom na kami at kailangan na niya umuwi.
At syempre hindi sapat ang almost 3hours lang na magkasama kami para icelebrate ang bday niya, hehe. It's his 18th, so kinda important db. Haha. So thursday na nga. Nagdate lang kami sa Trinoma then nagpahangin sa UPD, lol, haha. Happy happy happy! :D Hahaha! Yehey 18 na siya, makaedad na ulit kami! Hahaha! Loser e mas matanda ako ng 3buwan. XD
Friday. Lakad na naman ulit. Haha. With LINNAE naman! Medyo konti lang kame, pero keribels lang! Happy pa din! Tambay sa Jollibee, laro ng Counter Strike syempre favorite, haha, at nagvideoke sa Gbox. Haha! Astig ung last song namin, LUHA by Aegis, hahaha! Todo sigaw e! Hahah! Saya talaga ng Linnae. :) Nagpapicture din kami sa kameraworld. Wala kasi may digicam samin e, mga poorita, haha. :D
At eto, masaya naman. Todo gala. Haha kaya ngayon lang nag-update. LOL. :D
Sad, walang pics dun sa mga events na yan, tae wlang cam e, sira, huhu. Sorry.
Sorry dun sa title. Bohahaha. Wala rin kasi ako maisip e, so ayan na lang. :)
At ang haba ng entry. hahaha. Whateverrrr. :D

0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
Links to this post:
Create a Link
<< Home